Matagumpay na isinagawa ang Training on Sewage, Sludge, and Septage Management and Data Harmonization na ginanap sa bayan ng El Nido, Palawan na nagsimula noong May 26-30, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng EL Nido STP sa pamumuno ni Engr. Gil Ynzon, Program Manager ng Palawan Water.

Naimbitahan namang maging tagapagsalita si Engr. Michelle Ann Y. Cardenas na siyang nagdisenyo ng pasilidad.

Dumadalo rin ang 80 regulatory officials ng Department of Environment & Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) mula sa 18 rehiyon sa Pilipinas para sa series of on-site inspections sa naturang bayan.

Nais rin ng DENR-EMB na makita ng kanilang mga regional officers ang El Nido STP na kanilang gagawing modelo sa pagtatayo ng kaparehong establisyemento sa kanilang lugar.

Layunin ng aktibidad na ipakita sa mga EMB officials ang iba’t ibang proseso at operasyon ng modernong disenyo ng centralized El Nido Sewage and Solid Treatment Plant (STP) na kauna-unahan sa bansa na isa ring solar-powered plant.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *