Matagumpay ang naging pagbubukas ng isang Art Exhibit kung saan tampok ang obra ng Palaweño Painter na si Marvin Balcos na ginanap sa Gallery Vienna sa Mahlergasse, Austria nitong ika-5 ng Mayo 2025.

Tampok sa exhibit ang anim nitong acrylic at water color paintings na may temang “Art Aqua” na ukol sa mga buhay sa dagat, at ang koneksyon nito sa tao. Ang isa nitong gawa na “The Creation Of” ay ang siyang napiling gamitin sa mga brochure ng exhibit.

Ayon kay Balcos, may iba pang artist mula sa Australia at Austria ang tampok sa exhibit na may titulong Earth Charter, pero special ang paglahok niya dito sapagkat siya lang ang kinomisyon ng UNESCO sa pagsali sa exibit. Tatagal ang exhibit hanggang Mayo 31.

Ang pagkakabilang ng Palawenong si Balcos ay tanda lamang na ang mga talentong Pilipino ay hindi magpapahuli sa pandaigdigang industriya ng sining.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *