Inilunsad ng Tubbataha Reefs Natural Park ang aklat na pinamagatang “Ako si Klawni ng Tubbataha, Nananalangin” kasabay sa pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng inskripsiyon sa United Nations World Heritage List nito lamang ika-10 ng Disyembre 2024.
Dumalo sa paglulunsad ang mga tauhan ng Tubbataha Management Office sa pangunguna ni Park Superintendent Angelique Songco, United Nations Commission of the Philippines Acting Secretary General Lindsay Barrientos, Palawan Council for Sustainable Development Staff Executive Director Atty. Teodoro Jose Matta, iba pang miyembro ng Tubbataha Park Management Board, at mga stakeholder.
Ang naturang aklat ay isinulat ni John Erimil Teodoro at inilarawan ni Raphael Levi Arnan, ay nagtatampok kay Klawni, isang clownfish na nananalangin at nananawagan sa mga tao na tumulong sa pangangalaga at proteksyon ng dagat.
Ang gawaing ito ay tanda lamang na ang mga Palaweño ay mayaman hindi lamang sa mga nagsisigandahang tanawin kundi pati na rin sa mga panunulat upang mas makilala ang kagandahan angkin ng kanilang lugar.
Source: Palawan News