Umabot sa 200 mangrove propagules ang itinanim ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG)-Marinduque sa coastal area na sakop ng Sitio Ipil, Barangay Botilao sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque nito lamang Oktubre 6, 2024.
Itinaon ang pagtatanim ng bakawan at paglilinis ng baybayin sa pagdiriwang ng Maritime Week kung saan ay mahigit 20 sako ng iba’t ibang uri ng basura ang nakalap at nahakot ng mga dumalo sa gawain na kinabibilangan din ng mga miyembro ng PCG Auxiliary 510th Squadron sa pangunguna ng Santa Cruz at Torrijos Division.
Nakiisa rin sa mangrove tree planting ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection, Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) at mga Barangay Health Workers (BHWs).
Layunin ng aktibidad na makapagtanim ng mga bakawan sapagkat ito ang nagsisilbing tirahan at pangitlugan ng mga isda at nakatukatulong na maprotektahan ang kalikasan. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga pagramang katulad nito upang mapangalagaan ang ating kalikasan para sa magandang kinabukasan.