Matagumpay na naisagawa ang Rabies Awareness and Responsible Pet Ownership Seminar bilang pakikiisa sa World Rabies Day 2024 na ginanap sa Lopez, Quezon, nito lamang ika-30 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian sa pamumuno ni Dr. Camille C. Calaycay, katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist ng Lopez, Quezon.

Ang nasabing seminar ay dinaluhan ng 80 na estudyante na ginanap sa Talolong Elementary School at Tan-ag Elementary School sa Lopez, Quezon.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong imulat ang mga mag-aaral tungkol sa rabies at kung ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang sakit na ito.

Source : Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *