Jovellar, Albay — Nagpaabot ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development Bicol sa may kabuuang 241 pamilya mula sa Barangay Aurosa, Mercado, Mabini, Bagacay, Magsaysay, at White Deer na inilikas dahil sa malakas na pag-ulan mula sa southwest monsoon at Severe Tropical Storm (STS) Ferdie noong Setyembre 13, 2024.

Bilang tugon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 ay nagbigay ng mahahalagang tulong sa mga pamilyang lumikas noong Setyembre 14, 2024.

Ang tulong na nagkakahalaga ng Php346,710.00, kasama ang Family Food Packs (FFPs) at modular tents.

Sa pamumuno ni Regional Director Norman Laurio, nananatiling naka-standby ang DSWD Bicol upang matiyak ang agarang pagtugon at patuloy na suporta sa mga komunidad na apektado ng habagat at STS Ferdie.

Ang ahensya ay nakatuon sa paghahatid ng tulong kung kinakailangan sa patuloy na kaguluhan ng panahon na ito.

Source: DSWD Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *