Sa patuloy na pagbibigay ng importansya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa sektor ng agrikultura, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Agri-Fishery Inputs sa bayan ng Infanta, Quezon.

Ang aktibidad ay dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, Vice Mayor L.A Ruanto at Provincial Agriculturist Doc. liza Mariano ang aktibidad para sa mga miyembro ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council, Samahan ng mga Magniniyog at SIPAG Infanta.

Naipamahagi sa samahan ng mga mangingisda ang 46 plywood, mga galon ng epoxy paint at 6 kilos na copper nail samantalang naibigay naman sa mga Coconut Farmers ang mga PVC hose, ammosul fertilizers at mga pananim na gulay, grasscutter, knapsack sprayer, urea, fertilizers, hermicast, foliar at seedling trays naman sa mga dumalong vegetable farmers ng nasabing bayan.

Ang naturang pamamahagi ay naglalayong magbigay ng kinakailangang suporta upang matugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan, at mapalakas ang kabuuang kakayahan ng mga magsasaka at mangingisda.
Source: Provincial Government of Quezon