Matagumpay na pinagdiwang ang Calambagong Buhayani Festival Grand Parade sa lungsod ng Calamba, bilang bahagi ng ika-10 Buhayani Festival at selebrasyon ng ika-163 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda.

Nilahukan ng mga miyembro ng Iglesia Watawat ng Lahi, Boy Scouts of the Philippines, mga departamento ng pamahalaang lungsod ng Calamba sa pangunguna nina Mayor Roseller Rizal at Vice Mayor Angelito Lazaro Jr., Pamahalaang Lalawigan ng Laguna sa pangunguna nina Gobernador Ramil Hernandez at 2nd District Representative Ruth Mariano-Hernandez maging mga estudyante, kinatawan ng barangay, at mga people’s organization sa lungsod.
Tampok sa grand parade ang 20 land float kung saan tampok na disenyo ang mga yugto sa buhay ni Rizal at kanyang mga akda, at Sayaw Indak competition kung saan nagtagisan sa pagalingan sa pag-sayaw rin ang mga kabataang Calambeño.

Ang Buhayani Festival ay inilathala noong ika-Hunyo 19, 2015, sa ika – 158th Anibersaryo ni Dr. Jose Rizal, ang Buhayani ay hango sa “Buhay ng Bayani” at “Buhay na Bayani” (BUHAYaNI), ito ay ipinagdiriwang tuwing pangalawang linggo sa buwan ng Hunyo, bilang pag-alala sa ating pambansang bayani.
Source: PIA Laguna