Ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) CALABARZON ang Solar Powered Sprinkler Irrigation System para sa mga benepisyaryong miyembro ng Mabunga-Malumbang Corn Farmers Association sa Barangay Mabunga, San Francisco, Quezon.

Ang nasabing irrigation system ay nagkakahalaga ng Php6,435,642.28 na gumagamit ng enerhiya mula sa araw para magpatakbo ng mga sprinkler na magdidilig sa mga pananim.

Dumalo sa aktibidad sina Quezon 3rd District Congressman Reynante Arrogancia, San Francisco Mayor Hon. Kresna Fernandez, Quezon Agricultural Program Coordinating Officer Jan Oliver Sarmiento, Corn Program Alternate Focal Person Arlene Natanauan at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan.

Layunin ng programa na makatulong sa mga magsasaka upang mas mapaunlad ang produksyon ng mais, bigas at iba pang produktong agrikultura sa bansa.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *