Nagsagawa ng Indignation Rally ang iba’t ibang sektor ng komunidad upang kondinahin ang mga maling gawain at hikayatin ang mga miyembro ng rebeldeng grupo na magbalik-loob na sa gobyerno na ginanap sa Municipal Covered Court, Camaligan, Camarines Sur nitong Marso 29, 2024.

Ang nasabing aktibidad ay suportado ng mga Local Officials, mga grupo ng kabataan, paaralan, simbahan at mga lokal na ahensya ng pamahalaan. Nakiisa din ang mga grupo mula sa National Government Agencies (NGAs), National Government Organizations (NGOs), Advocacy Support Groups, mga pamilya ng mga biktima, dating mga rebelde at iba pang indibidwal para kondenahin ang maling gawain ng mga rebelde sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa aktibidad, nagkaroon ng pagkakaisa ang mga mamamayan na ihayag ang kanilang saloobin at damdamin na nais na nilang matuldukan ang mga krimen na naidudulot ng mga rebeldeng grupo sa lalawigan.

Sinira ng mga nakilahok ang mga bandila ng makakaliwang grupo bilang simbolo ng pagnanais na iwaksi ang rebeldeng grupo sa komunidad.

Ang pagsagawa ng nasabing aktibidad ay isa lamang sa kaparaanang inilulunsad ng ating mamamayan na sumisimbolo sa pagkakaisa upang kundinahin ang masamang ideolohiya, maling turo, kasinungalingan at karahasan ng makakaliwang grupo upang wakasan ang insurhensiya sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *