Nagsagawa ng 2nd Redemption Day at Nutrition Education Session ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mahigit 90 pamilyang benepisyaryo mula sa bayan ng Garchitorena, Camarines Sur nito lamang Marso 6, 2024.

Nakatanggap ng Php3,000 na halaga ng food credits sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards ang mga nasabing benepisyaryo.

Ang food credits ay inilaan sa tatlong food groups: Php1,500 para sa carbohydrates, Php900 para sa protein, at Php600 para sa fiber-rich food.

Para makuha ang food credits, ang bawat benepisyaryo ay dapat dumalo sa Nutrition Education Session na inorganisa ng DSWD.

Layunin ng Nutrition Education Session na magbigay kaalaman sa mga benepisyaryo kung paano maghanda ng masusustansyang pagkain para sa kanilang mga pamilya.

Source: DSWD Field Office 5 – Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *