Patuloy ang paglikas sa mga residente ng Barangay Banyaga, Bilibinwang, at Subic Ilaya sa bayan ng Agoncillo, Batangas, kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.
Pansamantalang inihahatid sa socio-civic building ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Barangay Pansipit ang mga apektadong pamilya upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang nagpapatuloy ang sitwasyon sa bulkan.
Patuloy ang pagsisikap na mailayo sa panganib ang mga residente ng mga apektadong lugar. Pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag, sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad, at makipagtulungan sa mga isinasagawang hakbang para sa kanilang kaligtasan.
Source: Batangas News