Mariing pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga alegasyon tungkol sa umano’y P15-bilyong “ghost projects,” at iginiit na ito ay maling impormasyon at bahagi ng disinformation laban sa militar.

Nilinaw ng AFP na ang halagang tinutukoy ay kaugnay ng TIKAS Program, na eksklusibong pinamamahalaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at hindi ng AFP.

Itinanggi rin ng AFP ang paratang na nilabag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang Honor Code ng Philippine Military Academy, at sinabing walang anumang reklamo o imbestigasyon na sumusuporta rito.

Dagdag pa ng AFP, hindi ito tumanggap ng P15 bilyon mula kay House Speaker Martin Romualdez para sa sinasabing mga ghost projects.

Hinimok ng AFP ang publiko na maging mapanuri laban sa mapanlinlang na impormasyon at umasa lamang sa mga opisyal at mapagkakatiwalaang sanggunian.

Nanindigan ang AFP sa pagsusulong ng transparency, accountability, at integridad sa pagtupad sa mandato nito.

Source:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *