Pinalalakas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang digital connectivity sa mga liblib na komunidad sa Palawan sa pamamagitan ng Bayanihan SIM Program, na layong suportahan ang digital learning at access sa online government services.

Noong Disyembre 17–18, 2025, namahagi ang DICT ng Bayanihan SIM cards sa mga mag-aaral at guro ng Tagbita Elementary School at Taburi National High School sa bayan ng Rizal.

Aabot sa 151 SIM cards ang ipinamahagi sa Tagbita ES at 234 naman sa Taburi NHS. Ang bawat SIM ay may 25GB libreng data kada buwan sa loob ng isang taon, may geofencing feature, at para lamang sa data use.

Ang programa ay bahagi ng Free WiFi for All Program ng DICT at makikinabang din dito ang mga benepisyaryo ng 4Ps sa lugar.

Source: https://pia.gov.ph/news/dict-underserved-communities-in-palawan-are-now-digitally-connected/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *