Dalawang lalaki ang nasawi matapos mabangga ng isang pampasaherong bus habang tumatawid sa Diversion Road sa Barangay Ilayang Dupay, Lucena City, noong Lunes ng gabi, Enero 19, 2026.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jose, 58, at Gabriel, 58. Nagtamo sila ng malulubhang pinsala at idineklarang dead on the spot.

Inaresto ang driver ng bus na si Franklin, na minamaneho ang sasakyang may plakang DBP-8906, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Lucena City Police Station. Siya ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide.

Samantala, isang 51-anyos na lalaki ang pinagtataga hanggang mamatay ng dalawang lalaki habang nag-iinuman sa Barangay Amot, Burdeos, Quezon, noong Lunes ng gabi, Enero 19.

Ayon sa pulisya, dumating ang mga suspek na sina Ericson, 44, at Rustum, 25, at bigla umanong pinagtataga ang biktimang si Ramil na agad na nasawi.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation laban sa mga suspek na mahaharap sa kasong murder.

Source: https://mb.com.ph/2026/01/20/oncoming-bus-kills-2-men-in-lucena-city?__cf_chl_tk=.bQ80UrWUIK.UnQQWwA1pz62.uvDRG0ePPHsOpvEH.k-1768961393-1.0.1.1-OjRgcmIzlvf7wpMqGX9E8EHuKh2xSuBKaaaTP._EQXM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *