Inatasan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang agarang rehabilitasyon ng Andaya Highway bago ang Mahal na Araw upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe ng mga motorista sa inaasahang dagsa ng mga manlalakbay.

Personal na ininspeksyon ni Sec. Dizon ang mga sirang bahagi ng kalsada at iginiit na hindi katanggap-tanggap ang pagkaantala ng pagkukumpuni.

Ayon sa kanya, may malinaw na direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng pangmatagalang solusyon sa problema ng kalsada.

Iminungkahi rin ni Sec. Dizon ang pagtatayo ng mga lay-by para sa mga trak upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko.

Source: PIA Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *