Inaasahan ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa sa Lunes dahil sa shear line, ITCZ, easterlies, at amihan, ayon sa PAGASA.

Magdudulot ang mga weather system ng kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog sa Palawan, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas at Mindanao. Posible ang biglaang pagbaha at landslide.

Mahihinang pag-ulan dahil sa amihan ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Sa natitirang bahagi ng bansa, maaaring magkaroon ng panaka-nakang pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.

Katamtaman hanggang malalakas ang hangin at pag-alon sa hilaga at kanlurang Luzon; mahina hanggang katamtaman naman sa ibang lugar.

Wala namang mino-monitor na low pressure area na posibleng maging bagyo.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1263386

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *