Isang makabuluhang pagkilala ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan nito lamang Oktubre 7, 2025 sa idinaos na Quezon Province Tourism Excellence Award sa Lucena City.

Dalawampu’t dalawang (22) indibidwal, grupo, at institusyon mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ang pinarangalan dahil sa kanilang natatanging ambag sa pagpapaunlad ng lokal na turismo.

Ang bawat parangal ay simbolo ng pagkilala sa sakripisyo, tiyaga, at pagmamahal ng mga Quezonian sa sariling bayan.

Kasabay nito, inilunsad din ang Quezon Tourism Information Systems na layong gawing mas accessible ang impormasyon ukol sa mga destinasyon at serbisyo sa lalawigan.

Sa pagkakaisang ito, pinatutunayan ng mga Quezonian na ang turismo ay hindi lamang hanapbuhay ito ay puso, kultura, at pagkakakilanlan.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *