Sa patuloy na pagsuporta sa edukasyon ng mga kabataang Pilipino, lalo na sa gitna ng kalamidad, namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region ng 29 Family Tents bilang pansamantalang silid-aralan para sa mga paaralan sa bayan ng Baleno, Masbate noong Lunes, Oktubre 6, 2025.

Karaniwang ginagamit bilang pansamantalang tirahan sa panahon ng kalamidad, ang mga Family Tent na ito ay pansamantalang i-aangkop bilang learning spaces para sa mga mag-aaral mula sa mga paaralan ng Amador Bello, Lahong, Lahong Interior, Canjonday, Bangao, Batuila, Polot, Catalino M. Esquilona, Lipata, Cancaharao, Panase, at Gangao Elementary School, kasama rin ang mga baybaying barangay ng Carandang, Eastern Capsay, Docol, Cagpandan, Potoson, Magdalena, at Tinapian.

Ang inisyatibong ito ay bunga ng pagtutulungan ng DSWD Bicol, Department of Education, at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Masbate, sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Norman Laurio.

Layunin nito na masiguro ang kapakanan ng mga batang Bicolano at ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng edukasyon sa kabila ng mga hamon.

Ito rin ay bahagi ng direktibang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng patuloy na adbokasiya ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa pagtulong sa mga komunidad lalo na sa mga bata—sa panahon ng parehong mga kalamidad.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *