Sa patuloy na pangangalaga at pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, nagsagawa ng transport operations ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) upang maihatid pabalik sa kani-kanilang mga barangay ang mga evacuees na pansamantalang lumikas dahil sa nagdaang sakuna.

Gamit ang mga sasakyang pagmamay-ari ng Lungsod, ligtas na naihatid ang ating mga kababayan patungo sa Barangay Navotas at Barangay Maidlang. Ang hakbanging ito ay bahagi ng mas malawak na operasyon ng CDRRMD upang masiguro ang maayos at organisadong pagbabalik ng mga evacuees sa kanilang mga tahanan.

Patuloy ang walang humpay na pagtatrabaho ng inyong Pamahalaang Lungsod upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng bawat isa—mula sa panahon ng kalamidad hanggang sa pagbangon ng komunidad.

Ang kooperasyon at pagkakaisa ng bawat mamamayan ay mahalagang bahagi ng matagumpay na disaster response at recovery. Sa tulong ng CDRRMD at iba pang mga ahensya ng lokal na pamahalaan, sama-sama tayong bumabangon at sumusulong tungo sa mas ligtas at mas matatag na Lungsod.

Source: Mayor Doy Leachon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *