Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Opong sa rehiyon, agad na ipinadala ng DSWD Field Office V-Bicol Region, sa pamumuno ni Regional Director Norman S. Laurio ang isang Quick Response Team sa bayan ng Guinobatan, Albay nitong araw, Setyembre 25, 2025.
Ito ay upang tumulong sa isinasagawang preemptive evacuation sa mga residente ng Brgy. Masarawag.

Kung matatandaan ang barangay Masarawag ay isa sa mga barangay sa naturang bayan na nakararanas ng flashflood tuwing may malalakas na pag-ulan.
Pansamantalang tutuloy ang mga residente sa Guinobatan Community College.

Ang mabilis na pagtugon na ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay DSWD Secretary Rex Gatchalian na masiguro ang mabilis na pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga Pilipinong posibleng maapektuhan ng nakaambang sama ng panahon.
Source: DSWD Field Office V