Dinagsa ng libo-libong deboto at mananampalataya ang bayan ng Dolores noong Setyembre 15, 2025 upang makiisa sa taunang Turumba de Dolores, bilang bahagi ng Kapistahan ng Mahal na Birheng Dolorosa.
Sa makulay at debosyonal na pagdiriwang, sabay-sabay na nagprusisyon at nag-alay ng panalangin ang mga deboto bilang pagpupugay sa Mahal na Ina. Ang nasabing tradisyon ay matagal nang kinikilala hindi lamang bilang relihiyosong pagtitipon kundi bilang pamanang kultural na nagpapakita ng pananampalataya at pagkakaisa ng sambayanan.

Nagpasalamat ang mga mananampalataya sa Mahal na Birheng Dolorosa sa Kanyang pagdamay sa mga hapis at pagsubok ng bawat isa. Hiling ng marami ang patuloy na paggabay, proteksiyon, at walang hanggang pagmamahal ng Mahal na Ina sa kanilang buhay.

Ang Turumba de Dolores ay isa sa mga pinakaaabangang bahagi ng taunang pista, kung saan ipinapamalas ng mga mamamayan ang kanilang matibay na pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birheng Dolorosa.
Source: Unlad Dolores FB Page