Isang makulay at makasaysayang simula ang nasaksihan nito lamang Setyembre 11, 2025 sa pagbubukas ng APPSAA Meet 2025 sa bayan ng Angono.

Sa pamamagitan ng masiglang parada mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan, sabay-sabay na ipinakita ng mga mag-aaral, guro, at tagapagsanay ang kanilang dedikasyon at pagmamahal sa larangan ng isports.

Ang Joaquin Guido Elementary School, ay naging sentro ng sigla at pag-asa para sa mga atletang may pangarap at determinasyong maabot ang Palarong Panlalawigan sa darating na Oktubre.

Ang APPSAA ay hindi lamang paligsahan, ito ay pagdiriwang ng talento, tiyaga, at pagkakapatiran. Hangad nating lahat ang tagumpay ng bawat atleta, hindi lamang sa medalya kundi sa paghubog ng kanilang karakter bilang mga huwarang kabataan ng bayan.

Source: Angono PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *