Matagumpay na nagtapos ngayong araw ang ikatlo at huling araw ng Bloodletting Activity 2025 sa Barangay Bagong Bayan at Barangay Manlag, El Nido, Palawan nito lamang Setyembre 11, 2025.

Ang tatlong araw na aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng adbokasiyang palakasin ang suplay ng dugo sa lalawigan, at layuning tumugon sa patuloy na pangangailangan ng mga pasyenteng nangangailangan ng dugo sa mga ospital.

Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng El Nido, katuwang ang iba’t ibang ahensya at mga health workers, matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad sa iba’t ibang barangay mula Setyembre 9 hanggang 11.

Ang tagumpay ng aktibidad ay hindi magiging posible kung wala ang malasakit at boluntaryong partisipasyon ng ating mga blood donors. Sa pamamagitan ng kanilang kagandahang-loob, maraming buhay ang naililigtas—tunay na simbolo ng kampanyang, “Dugo Mo, Buhay Ko.”

Lubos ang pasasalamat ng pamahalaan sa lahat ng tumulong at nakiisa—mga medical frontliners, partner agencies, barangay officials, at higit sa lahat, sa mga donors na walang pag-aalinlangang nagbigay ng bahagi ng kanilang sarili para sa kapwa.

Ang pagkakaisa at malasakit ng bawat isa ay patunay na kapag nagtutulungan, kayang makamit ang isang mas malusog, ligtas, at matatag na El Nido.

Source: Municipal Health Office -:El Nido Palawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *