Nakiisa ang BFAR Bicol sa pagbubukas ng Bishop Francisco Gainza Trade Fair noong Setyembre 11, 2025 sa Robinsons Place Naga, Naga City, Camarines Sur.

Tampok sa aktibidad ang iba’t ibang de-kalidad na produkto mula sa mga fisherfolk associations at micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na inanyayahan ng Fisheries Post-Harvest and Marketing Section (FPHMS) ng Fisheries Production and Support Services Division (FPSSD).

Kabilang sa mga kalahok na exhibitors ang Cagbunga Gainza Crabpaste Producers Cooperative (CAGCPCO) na kilala sa kanilang bottled crabpaste at iba pang bottled products; Dai-Hai Marine Products na nag-aalok ng sariwa, abot-kaya, at de-kalidad na frozen seafood; DYH Fish Products na may masasarap na dried fish; BRIVA na tampok ang kanilang malikhaing shell crafts; Lovee Daniel’s na may masarap na Crab Relleno; at GAMSAY ERS Food Products na nagtatampok ng malutong na crunchy bolinao at iba pang dried fish products.

Bukas ang Bishop Francisco Gainza Trade Fair hanggang Setyembre 22, 2025 sa Robinsons Place Naga.

Source: BFAR Bikol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *