Muling nagsama-sama ang Provincial Advisory Council (PAC) ng Camarines Norte upang pagtibayin ang pagkilos para sa mas matibay na pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang serbisyong panlipunan para sa mga mamamayan, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan nito lamang Setyembre 9, 2025.

Layunin ng Konseho na masiguro na ang mga bulnerableng sektor, kabilang ang mga 4Ps beneficiaries, ay hindi maiiwan sa mga programa ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng mas pinatibay na ugnayan ng mga ahensya sa larangan ng kalusugan, edukasyon, at kabuhayan, inilatag ng PAC ang mga konkretong hakbang upang masubaybayan at mapahusay ang mga interbensyon na tunay na nakaaabot sa mga nangangailangan.

Kaugnay nito, nakatakdang palawakin ang hanay ng mga kasapi ng Konseho upang maisama ang mga bagong katuwang mula sa employment, education, at health sectors para sa mas inklusibong pag-unlad at mas maayos na implementasyon ng 4Ps sa Camarines Norte.

Source: DSWD Field Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *