Bilang bahagi ng paggunita sa ika-125 anibersaryo ng Philippine Civil Service, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro ang isang mahalagang aktibidad na naglalayong itaas ang kamalayan ng mga kawani ng gobyerno hinggil sa kalusugan — ang “Health Talks on Breast and Prostate Cancer” na ginanap sa Kapitolyo ng Mamburao noong Setyembre 9, 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ng Provincial Human Resource Management Office (HRMO) sa pangunguna ni Ms. Marife T. Tañala.

Layunin ng programa na magbigay ng tamang impormasyon at paalala sa mga empleyado ng pamahalaan tungkol sa mga panganib at mga paraan ng pag-iwas sa Breast Cancer at Prostate Cancer — dalawang uri ng kanser na patuloy na nagiging malaking hamon sa kalusugan ng mga Pilipino.

Itinampok sa seminar sina Dr. Dianne Beatrice W. Cuyugan-Vitto, isang Medical Specialist – OB-Gynecologist, na tinalakay ang kahalagahan ng maagang pagsusuri sa Breast Cancer, at si Dr. Ellerson A. Flores, isang Surgeon, na nagbahagi ng kaalaman tungkol sa Prostate Cancer, mga sintomas nito, at mga hakbang para sa maagang pagtuklas.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, ipinapakita ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Eduardo B. Gadiano, katuwang si Vice Governor Diana Apigo-Tayag at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, ang kanilang patuloy na malasakit sa kalusugan at kapakanan ng mga lingkod-bayan. Isa itong konkretong hakbang upang matiyak na ang mga kawani ay malusog, may sapat na kaalaman, at handang maglingkod nang buong husay at katapatan sa mamamayan ng Occidental Mindoro.

Source: PIO OCCIDENTAL MINDORO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *