Isang makabuluhang selebrasyon ang isinagawa sa Lalawigan ng Laguna sa pagdiriwang ng Bamboo Day, na may temang “Laguna Bamboo: Growing with Purpose, Rooted in Resilience” nito lamang ika-9 ng Setyembre, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Laguna Province Bamboo Industry Development Council (LPBDC) katuwang ang DOST-FPRDI na nilahukan ng iba’t ibang sektor, mga negosyante, LGU, ahensya ng gobyerno, at mga eksperto sa kawayan na nagpakita ng husay at malikhaing likha ng mga Lagunense.

Binigyang-diin ni Gov. Sol Aragones ang papel ng kawayan sa pag-unlad ng ekonomiya, kalikasan, at komunidad kaya buong puso niyang sinuportahan ang adbokasiya na gawing sentro ng inobasyon sa kawayan ang Laguna.

Ang Bamboo Day ay hindi lang pagdiriwang, ito ay panata ng bawat mamamayan ng Laguna na ipagpatuloy ang pangangalaga sa kalikasan, palaganapin ang likas na talino, at paunlarin ang kabuhayan gamit ang yamang gubat na kawayan.

Source: Laguna PIO