Naging makulay ang selebrasyon ng Lambanog Festival 2025 na ginanap sa Casa Segunda, Manuel S. Enverga University Foundation, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City noong ika-26 ng Agosto, 2025. Nagagalak na akiisa sa naturang selebrasyon ang Office of the Provincial Agriculturist–Quezon.

Ang Lambanog ay isa sa pinakatanyag na produkto ng Quezon na sumisimbolo sa kultura, kasaysayan at kabuhay ng mga Quezonians.

Sa pagdiriwang na ito, ipinakita ang iba’t ibang produkto mula sa niyog, kasabay ng mga pagtatanghal na nagpapakita ng sipag at tiyaga ng ating mga magniniyog.

Ang Lambanog Festival ay bahagi ng ika-39 na National Coconut Month, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng niyog sa ating ekonomiya.

Patuloy ang pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa mga produktong bahagi ng kasaysayan at mga bayani ng agrikultura.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *