Mainit na sinalubong ng mga San Mateño si Kanyang Kabunyian Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa kanyang pagdating noong August 22, 2025 para pangunahan ang makasaysayang Solemn Declaration of the National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu bilang isang Pambansang Dambana.

Pinangunahan nina Mayor Omie Rivera at Vice Mayor Jimmy Roxas, kasama sina Gobernadora Nina Ynares, Congressman Jojo Garcia, at Bokal John Patrick Bautista ang malugod na pagtanggap sa Cardinal sa ginanap na Civic Welcoming Program.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Omie na ang okasyong ito ay isang mahalagang yugto hindi lamang para sa mga Katolikong mananampalataya kundi para sa buong bayan ng San Mateo. Aniya, ang pagkakatalaga sa dambana ng Nuestra Señora de Aranzazu bilang Pambansang Dambana ay magsisilbing sentro ng ispiritwalidad, debosyon, at pag-asa ng buong Rizal at maging ng iba pang rehiyon.

Samantala, ipinaalala naman ni Cardinal Tagle na ang pagkakatalaga ng dambana ay hindi lamang isang biyaya kundi isang misyon. Ani niya, ito ay misyon na dapat isabuhay at patuloy na pagyamanin araw-araw upang higit pang mapagtibay ang pananampalataya at debosyon sa Mahal na Ina.

Sa pagtatapos ng programa, sabay-sabay na nagpugay ang mga dumalo sa sigaw ng pananampalataya.

Source: San Mateo Rizal Public Information Office FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *