Bilang pakikiisa sa pandaigdigang pagdiriwang ng International Cat Day, matagumpay na isinagawa noong August 8, 2025 sa SM City San Mateo ang libreng anti-rabies vaccination para sa mga pusa.
Ang aktibidad ay isinakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office at San Mateo Rizal Animal Welfare Office.
Tinatayang halos 240 pusa ang dinala ng kanilang mga mapagmahal na fur parents upang masiguro ang kanilang kalusugan at kaligtasan laban sa rabies.
Umaga ng parehong araw, nagsagawa rin ng kaparehong aktibidad sa Brgy. Sto. Niño kung saan mahigit 50 pusa ang nabakunahan.
Bukod sa pagbabakuna, naging pagkakataon din ito para maipaalala ang kahalagahan ng responsible pet ownership at tamang pangangalaga sa mga alagang pusa.
Sa San Mateo, tunay na alaga ang iyong alaga—dahil ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga alaga ay kasinghalaga ng atin.
Source: San Mateo Rizal Public Information Office FB