Bilang parte ng puspusang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region sa mga Bicolanong apektado ng nagdaang bagyong Crising at kasalukuyang masamang panahon, namahagi ng food packs ang ahensya sa 781 magsasaka mula sa 15 na barangay sa bayan ng Daet ngayong araw, ika-23 ng Hulyo, 2025, sa Municipal Agriculture Office.

Kasabay nito, patuloy din ang paghahatid ng DSWD Bicol sa pangunguna ni Regional Director Norman Laurio ng mga food packs, ready-to-eat food, at iba pang relief items sa mga Bicolanong apektado ng matinding pag-ulan at pagbaha dala ng bagyong Dante at ng habagat o Southwest Monsoon.

Samantala, patuloy namang pinaaalalahanan ng pamahalaan ang publiko na maging alerto sa lahat ng mga posibleng maging epekto ng patuloy na pag-ulan sa halos lahat ng bahagi ng bansa habang inabisuhan ang lahat na agad na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga LGUs kapag nangangailangan ng agarang tulong.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *