Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at panganib ng kalamidad, muling pinatunayan ng Tanauan City ang diwa ng bayanihan at malasakit nang personal na ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development, ang relief packs para sa mga nasalanta ng bagyong Crising noong ika-22 ng Hulyo, 2025.
Ang mga inilikas ay mula sa Sitio Mahabang Buhangin at Sitio Paso ng Tanauan City, Batangas.
Hindi rin nag-atubiling tumulong sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, mga konsehal, at ang Sangguniang Barangay ng Maria Paz sa pamumuno ni Kap. Eddie Balba upang tiyaking ligtas at maayos ang kalagayan ng mga evacuees sa Maria Paz Elementary School.

Patuloy ding nakaalerto ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Atty. Sophia Nena Cueto-Molar upang bantayan ang kaligtasan ng buong lungsod, lalo na sa mga high-risk na lugar.
Sa kabila ng unos, nananaig ang pagkakaisa at pagmamalasakit at may gobyernong handang umagapay at mga kababayang laging handang tumulong at sa pagtutulungan, walang bagyong hindi malalampasan.
Source: Tanauan CGTV