Tumanggap ng cash gift mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) Cluster III MIMAROPA ngayong umaga ang 36 na octogenarians at nonagenarians na isinagawa sa Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) Building nito lamang Hulyo 12, 2025.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pagpapatupad ng Republic Act No. 11982, o mas kilala bilang Expanded Centenarian Act Program, na naglalayong kilalanin at parangalan ang mga Pilipinong nakatatanda sa kanilang mahalagang ambag sa pamilya, komunidad, at lipunan.

Kasama sa seremonya ang mga kinatawan mula sa NCSC at mga opisyal ng OSCA na sama-samang naghatid ng pagkilala at suporta sa mga benepisyaryo.

Ayon sa NCSC Cluster III, ang pagbibigay ng cash gift ay simbolo ng pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga matatanda, lalong-lalo na sa mga umabot na sa edad na 80 pataas.

Layunin din ng programa na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga senior citizens at ng mga institusyong nagbibigay ng serbisyo sa kanila.

Source: PIO Puerto Galera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *