Matagumpay na namahagi ng seedlings ang Ipilan Nickel Corporation (INC) sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Calasaguen at Palawan State University – Sofronio Española Campu, Palawan nito lamang ika-28 ng Hunyo 2025.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng Ipilan Nickel Corporation (INC) sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Calasaguen at mga mag-aaral ng BS-Agriculture OJT sa nabanggit na paaralan.
Layunin nitong suportahan ang mga isasagawang tree planting activities sa lugar kaugnay nang inisyatiba para sa pangangalaga ng kalikasan.
Source: The Palawan Times