Nakatanggap ng tulong ang Carabao Island Tourism para sa pagtatayo at pagpapatakbo ng Eco-Tourism Park sa Barangay Pinamihagan, San Jose, Romblon nito lamang ika-24 ng Hunyo 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na pumasok sa isang tripartite agreement kasama ang LGU ng San Jose at ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Layunin nitong mapalakas ang lokal na turismo, suportahan ang kabuhayan ng mga residente, at mapanatili ang likas na yaman ng isla.

Source: PIA Romblon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *