Matagumpay na naisagawa ang blessing ng apat na mahalagang imprastruktura sa mga bayan ng Kalayaan, Siniloan, at Pila na simbolo ng mas maunlad at mas ligtas na komunidad noong ika-24 ng Hunyo, 2025.

Ang mga naturang imprastruktura ay Multi-Purpose Hall sa Barangay M. Pandeño, Evacuation Center sa Barangay San Antonio, Multi-Purpose Hall at Stage sa Labuin Elementary School, at 3-storey 6-classroom building sa Masico Elementary School, mga konkretong patunay ng malasakit at pagtutok sa pangangailangan ng mamamayan.

Hindi lamang ito mga gusaling itinayo, kundi mga simbolo ng pagkakaisa, pagkilos, at pag-asa.
Sa bawat pader at haligi nito, nakaukit ang pangarap para sa mas ligtas, mas maginhawa, at mas maayos na kinabukasan para sa bawat pamilyang Pilipino.
Source: Gov. Ramil L. Hernandez FB Page