Matagumpay na nailunsad ng Palawan Council for Sustainable Development and Staff ang Palawan Forest and Landscape Restoration Plan bilang bahagi ng paggunita ng ika-33 taon ng R.A 7611 o Strategic Environmental Plan for Palawan nito lamang ika-19 ng Hunyo 2025.

Ang gawaing ito ay isang plano kung paano mapapanumbalik ang mahigit 257,297 ektarya ng lupain sa lalawigan na nasira na, ito ay matatagpuan sa Puerto Princesa City, Narra, Coron, Aborlan at S. EspaƱola bilang priority areas. Nasa 9 na mga lokal na pamahalaan na ang nagsulong ng mga ordinansa sa pagsuporta dito.

Nilunsad din sa programa ang E-Zones Mobile App na modernong proyekto ng PCSDS, dito ay malalaman na agad sa mapa ang classifications ng bawat lugar sa mga munisipyo, na pwede o hindi pwede sa anumang development o industriya na itatayo. May special features din ang app na tila GPS o Global Positioning System na pwedeng ma-locate ang kinaroroonan mo, hindi pa ito available online sa ngayon at i-aanunsyo ng konseho sa mga susunod na araw o buwan pag available na sya for download.

Layunin ng plano na magsagawa ng mga pangmatagalang solusyon sa mga nasirang lupain/bundok o gubat sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, at patuloy na proteksyonan ito.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *