Nag-uumapaw na kasiyahan at excitement ang bumalot sa lungsod ng Cavite City sa matagumpay na pagdaraos ng Juego Caviteño o Palarong Caviteño, isang makulay at masayang programa na nagbigay daan upang magsama-sama ang mga kabataang Caviteño sa pamamagitan ng masigla at makabuluhang palaro.
Pinangunahan ni Mayor Denver Reyes Chua at Vice Mayor Raleigh Rusit, kasama ang buong Team Unlad Cavite City, ang makabuluhang aktibidad na ito na layuning paigtingin ang pagkakaisa, sportsmanship, at aktibong partisipasyon ng kabataan sa mga pampamayanang gawain.

Kasama rin sa mga naging susi sa tagumpay ng programa sina Juego Caviteño Chairman and City Councilor Renan Montoya at SK Federation Cavite City President Zul Gilera, na buong pusong tumutok sa pagsasagawa at koordinasyon ng iba’t ibang larong inihanda para sa mga kabataan.

Mula sa mga tradisyunal na larong Pinoy hanggang sa mga modernong kompetisyon, tunay na naging masaya, makulay, at puno ng sigla ang buong programa.

Isang malaking pagbati, sa lahat ng mga kalahok at nanalo sa mga patimpalak. Higit pa sa tropeo at medalya, ang tunay na panalo ay ang masiglang pagkakabuklod ng bawat kabataang Caviteño na patuloy na nagkakaisa para sa ikauunlad ng kanilang lungsod.
Source: Regada Festival FB Page