Masayang naidaos ang taunang selebrasyon ng Angono Grand SaGAYLahan 2025 na may temang “Ako ay Malaya” na ginanap sa Angono, Rizal noong ika-15 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Ang naturang aktibidad ay hindi lamang patimpalak ng ganda, kundi isang masigabong pahayag ng pagkakapantay-pantay at pagtanggap.
Kinoronahan si Jeruh Merced Dealagdon ng Barangay Sto. Niño bilang Grand SaGAYlahan Winner, patunay na ang kagandahan ay higit pa sa panlabas ito ay tapang, talento, at pagiging totoo.
Sa pagtapos ng selebrasyon, baon ng bawat isa ang paalalang walang saysay ang kalayaan kung hindi ito isinasabuhay at napatunayan na ang tapang, pagmamahal, at pagtanggap ay sandatang kayang baguhin ang mundo.
Source: Angono PIO