Dinagsa ng libo-libong Caviteño ang masiglang Salvo Street Party na opisyal na nagsilbing hudyat ng pagsisimula ng week-long celebration ng Regada Water Festival 2025 sa lungsod ng Cavite.

Ang kalsada ay napuno ng sayawan, kantahan, at walang humpay na kasiyahan mula sa mga lokal na banda at kilalang artists na nagbigay-buhay sa entablado. Isa sa pinakaaabangang guest performer ay si Loki, na talaga namang nagpasabog ng enerhiya at saya sa buong manonood!

Ang Salvo Street Party ay paunang patikim pa lamang dahil sunod-sunod na makukulay at masisiglang aktibidad ang inihanda ng lokal na pamahalaan para sa buong linggong pagdiriwang ng Regada. Mula concerts, street dance competitions, cultural shows, food fairs, at siyempre, ang inaabangan ng lahat ang basaan sa mismong araw ng Regada sa June 24, 2025.

Sa bawat patak ng tubig ay dama ang diwa ng pagkakaisa, kasiyahan, at tradisyon ng mga Caviteño. Ang Salvo Street Party ay patunay na buhay na buhay ang kulturang Pinoy sa puso ng bawat isa.

Kaya’t sa pagpapatuloy ng Regada Water Festival 2025, sama-sama tayong magdiwang, magsaya, at makibasa dahil sa Cavite, ang bawat talsik ng tubig ay alon ng pagmamahalan at pag-asa.

Source: Regada Festival FB Page
Link:https://www.facebook.com/profile.php?id=100092217416103

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *