Pinasinayaan noong ika-3 ng Hunyo, taong kasalukuyan ang Kulturang Quezonian Congressional District Competition sa Lucban Gymnasium, tampok ang mga patimpalak sa Oration, Declamation, at Sabayang Pagbigkas bilang bahagi ng mga aktibidad para sa nalalapit na Niyogyugan Festival 2025 sa Agosto.
Pinangasiwaan ng Provincial Tourism Office sa pamumuno ni Nesler Louies Almagro, ang kompetisyon ay nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa mga bayan at lungsod ng Unang Distrito ng lalawigan ng Quezon.
Nagningning rin ang mayamang kultura ng Quezon sa mga pagtatanghal, na isinabuhay ng makabagong henerasyon sa makabuluhang paraan.
Isang pagpupugay sa mga kalahok, guro, at tagasuporta na patuloy na nagtataguyod sa kultura at sining ng lalawigan.
Source: Provincial Government of Quezon