Matapos ang back-to-back na tagumpay sa 2025 Little League Philippines National Tournament noong Marso, masayang ipinagdiwang ng mga Atletang Tanaueño ang kanilang panalo sa isang Meet and Greet activity na inorganisa ng Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc. katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Tanauan Sports sa pamumuno ni Mr. Max Mercado.

Lubos ang pasasalamat ng mga atleta sa Murata Philippines sa ipinagkaloob na suporta gaya ng libreng kumpletong set ng uniporme, kagamitan sa palakasan, at pinansyal na tulong.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) program ng Murata Philippines na layuning suportahan ang iba’t ibang sektor sa Tanauan sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan.

Puspusan naman ang paghahanda ng mga koponan para sa darating na 2025 Little League Asia-Pacific Region Tournament na gaganapin sa South Korea, Guam, at Taiwan.

Sa bawat pagpalo, bawat takbo, at bawat sigaw ng suporta, ito ang paalala na ang tagumpay ay bunga ng sipag, puso, at walang sawang paniniwala sa sariling kakayahan na siyang magbibigay ng dangal sa lungsod at sa buong bansa.

Source: Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *