Isang makabagbag-damdaming tagpo ang nasaksihan sa Barangay Montaña Tanauan, Batangas noong ika-23 ng Mayo, 2025 nang personal na iniabot ni Mayor Sonny Perez Collantes ang cash incentives kay Lola Marcosa Moya, 104-anyos na centenarian.

Ito ay bilang pagbibigay-pugay at pagkilala sa kanyang mahaba at makulay na buhay.

Ibinahagi ni Lola Marcosa ang ilan sa kanyang mga sikreto sa mahabang buhay at malusog na pangangatawan, simpleng pamumuhay, masiglang pananampalataya, at pagmamahal sa pamilya.

Ang pagkilalang ito ay bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay-halaga sa mga senior citizens, lalo na sa mga centenarians na simbolo ng tibay, pag-asa, at inspirasyon sa komunidad.

Source: Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *