Matagumpay na naisagawa ang isang pagsasanay patungkol sa ‘“Deputation Training for Environment and Natural Resources Officers” na ginanap sa KSK Serenity Resort, Barangay Irawan, Lungsod ng Puerto Princesa nito lamang ika-2 ng Abril 2025.
Nagsilbi namang resource speakers sina Engr. Kenneth A Solidum, Engr. Ivan F. Macandog at Science and Research Specialist, Angelia Evita Ramos mula sa DENR-MGB.
Nasa 150 mga kawani mula sa Provincial Mining and Regulatory Board (PMRB) at Mining and Quarrying Regulatory Board (MQRP) sa buong Palawan ang aktibong nakilahok sa naturang aktibidad.
Ilan sa mga tinalakay dito ay ang Legal Basis of the Deputation Training for Mines; Salient Features of Republic Act No. 7942 and 7076 and its IRRs; Mining Permits, Mineral Processing and Certificate of Accreditation, New Mining Policies at Combatting Illegal Mining.
Pangunahing layunin ng pagsasanay na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga deputized ENROs o ang mga itinalagang mga kawani sa bawat lugar na kung saan ay may presensya ng minahan, patungkol sa kanilang ginagampanang tungkulin sa panghuhuli ng mga indibidwal na lumalabag sa quarry at mining regulations batay sa polisiya ng Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Ang inisyatibong ito ay isa sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon na mapangalagaan ang kalikasan ng Palawan na may hangaring maipagkaloob sa bawat Palaweño ang sustinableng kaunlaran na hindi naisasantabi ang kaunlaran na siyang hangarin ng pamahalaang panlalawigan.
Source: PIO Palawan