Muling isasagawa ang Philippine Beach Games na gaganapin sa Talaudyong beach ng Barangay Bacungan sa Puerto Princesa City sa darating na Mayo 2-4, 2025.

Inaasahang nasa 400 manlalaro buhat sa iba’t ibang lugar sa bansa ang sasali, nasa walong (8) beach games ang matutunghayan sa tatlong araw na torneo.

Bagong larong tampok ngayong taon ang beach football, kayaking at canoeing.

Layunin ng palarong ito na itaguyod ang pampalakasan, turismo, at kalinangang pangkalusugan sa pamamagitan ng iba’t ibang larong isinasagawa sa dalampasigan.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *