Kakaibang talino at diskarte sa paglalaro ang ipinamalas ng mga kalahok na manlalarong nagpasiklaban sa matagumpay na “Calapan City Open Chess Tournament 2025” bilang bahagi ng “KALAP Festival 2025 | The 27th Cityhood Anniversary of Calapan”, na ginanap sa City Government of Calapan Complex, Barangay Guinobatan, Calapan City, nitong ika-24 ng Marso 2025.

Ito ay inorganisa at naisakatuparan sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng City Youth and Sports Development Department, katuwang ang United Chess Players of Calapan, Inc.

Tampok sa aktibidad na ito ang tunggalian ng mga mahuhusay at talentadong chess player mula sa lungsod at sa iba’t ibang munisipalidad ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.

Layunin ng paligsahan na ito na pagkaisahin ang mga naturang manlalaro na mula pa sa iba’t ibang lugar at pasiklabin ang nag-aalab na sportsmanship at camaraderie, gayundin ay upang makapagbigay ng inspirasyon para sa iba.

Source: Tatak Calapeno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *