Matagumpay na isinagawa ang distribusyon ng tulong pinansyal para sa mga mag-aaral ng City College of Calapan, sa ilalim ng “Educational Financial Assistance Program (EduFAP)” na ginanap sa Calapan City, Oriental Mindoro nitong ika-24 ng Marso 2025.
Naisakatuparan ito sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng City Education Department katuwang ang City Treasury Department.
Mahigit sa 1,600 na mag-aaral ng City College of Calapan ang napagkalooban ng Php2,500.00 na tulong pinansyal, sa ilalim ng naturang programa na naglalayong suportahan ang pangangailangan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Sa aktibidad na ito ipinahayag ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga kabataan, upang mas lalo pa nilang mapaghusay ang kanilang pag-aaral para sa kanilang magandang kinabukasan.
Source: Tatak Calapeno