Nagsama-sama ang iba’t ibang organisasyon upang maghain ng maiinit na pagkain at sariwang gulay sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa pamamagitan ng “Hapag Bayanihan” sa Wescom Road, Puerto Princesa City nito lamang ika-14 ng Pebrero 2025.
Ito ay pinangunahan ng JCI Puerto Princesa Oil, katuwang ang Community Kitchen ni Chef Aiza, Palawan News’ Project AMBAGAN, Viet Ville, iSLMRP, Balai Princesa, Palawan State University, Ahon Palawenyo, Pest Science Corporation, The Batter Concept, Timpla Palawan Coffeehouse, Angat Bayanihan-Palawan, Matt Mendoza at iba pang dedikadong volunteer groups.
Ang Project AMBAGAN ay isang inisyatiba upang makalikom ng pondo ng Palawan News bilang tugon sa mga emerhensiya sa lungsod at lalawigan. Ang layunin ay magbigay ng agarang tulong sa mga taong nangangailangan.
Source: Palawan News