Panalo ang Puerto Princesa City National Science High School (PPCNSHS) bilang kampeon ng 29th Palawan Geographic Society GeoBee kasabay ng Subaraw Biodiversity Festival na ginanap sa Puerto Princesa City nito lamang ika-6 ng Nobyembre 2024.

Ang taunang kaganapan na kilala bilang ang longest-running local environmental quiz bee sa Palawan, ay umani ng mga kalahok mula sa 52 paaralan sa buong lalawigan.

Nasungkit ng Puerto Princesa City National Science High School (PPCNSHS) ang pinakamataas na premyo na P15,000. Nakuha naman ng Palawan National School (PNS) ang 1st runner-up position, na nag-uwi ng P12,000, habang nakakuha ng 2nd runner-up honors ang San Rafael National High School na may premyong P10,000.

Itinampok ng kumpetisyon ngayong taon ang patuloy na pangako ng mga kabataan ng Palawan tungo sa edukasyon at kamalayan sa kapaligiran, na nagpapatibay sa pamana ng GeoBee bilang isang mahalagang kaganapan na nagpapaunlad ng pangangalaga sa kapaligiran sa mga kabataang Palaweño.

Source: Palawan News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *